Umano’y pagdukot sa dalawang aktibista sa Bataan, ‘fake news’ ayon sa militar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binansagan ng militar bilang ‘fake news’ ang napaulat na pagdukot sa dalawang environmental activists sa Orion, Bataan.

Sa isang statement, mariing kinondena ng 7th Infantry “Kaugnay” Division ng Philippine Army ang Karapatan-Central Luzon sa pagkakalat nila ng kasinungalingan tungkol sa umano’y pagdukot ng mga tauhan ng gobyerno kina Jonila Castro at Jhed Tamano noong Setyembre 2.

Ayon sa 7ID, agad silang nakipag-ugnayan sa Orion Municipal Police Station matapos makarating sa kanila ang ulat tungkol sa sa umano’y pagdukot para beripikahin ang balita.

Pero wala namang iniulat o inihaing reklamo sa naturang himpilan ang mga magulang nina Castro at Tamano tungkol sa naturang insidente.

Payo ng 7ID sa Karapatan na tigilan ang pagkakalat ng maling impormasyon at hayaan ang mga awtoridad na mag-imbestiga para alamin ang katotohanan sa naturang insidente.

Pinaalalahanan naman ng 7ID ang publiko na ‘wag basta-basta maniniwala sa ‘fake news’ na pinapalaganap ng mga grupo na kilalang kaalyado ng mga teroristang komunista. | ulat ni Leo Sarne

📷: 7ID

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us