Ibinida ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang 8.8 porsyentong pagbaba ng Index Crime Volume sa bansa.
Base ito sa datos ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) Crime Research Analysis Center mula January 1 hanggang September 5, 2023.
Para sa taong ito 26,044 kaso ang naitala, mas mababa ng 2,514 sa 28,558 kaso noong 2022.
Nangunguna sa mga kasong ito ang rape, theft, at physical injury.
Ang Homicide cases ay nakapagtala ng 0.42% na pagbaba ngayong taon habang ang Murder, Physical Injury, Rape, Robbery, Theft, at Carnapping ay nakapagtala ng 8.79% na pagbaba.
Ayon sa PNP chief, ang patuloy na pagbaba ng antas ng krimen sa bansa ay dahil narin sa pagsusumikap ng Pambansang Pulisya na mapanatili ang kapayapaan maging sa kooperasyon ng publiko. | ulat ni Leo Sarne