Nakapagtala ng pagtaas sa presyo ng kamatis sa Pasig City Mega Market ngayong umaga.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa ilang stall, kapansin-pansin ang ₱250 na kada kilo ng kamatis.
Ayon sa mga nagtitinda, araw-araw naman anila ang paggalaw sa presyo ng kamatis bunsod na rin ng mga nagdaang bagyo at sunod-sunod na pag-ulan.
Dagdag pa ng mga tindero, ₱10 kada linggo anila ang pagtaas sa presyo ng kamatis na dahilan din kaya’t bumaba ang demand.
Batay naman sa pinakahuling Bantay Presyo ng Department of Agriculture, naglalaro sa ₱160 hanggang ₱220 ang presyuhan ng kamatis.
Paliwanag naman ng Bureau of Plant Industry, normal na tumataas ang presyo ng gulay lalo na sa panahong ito ng tag-ulan. | ulat ni Jaymark Dagala