Valenzuela LGU, namahagi ng financial assistance sa mga pamilyang apektado ng pagguho ng pader sa Brgy. Mapulang Bato

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot na ng financial assistance ang Valenzuela Local Government sa ilang pamilyang naapektuhan ng pagguho ng isang pader sa S. Feliciano St., sa Brgy. Mapulang Lupa.

Pinangunahan mismo ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang pamamahagi ng tulong kung saan aabot sa 43 pamilya ang nakatanggap ng tig-₱10,000 ayuda.

Isang pamilya rin na may anak na may kapansanan ang binigyan ng alkalde ng special wheelchair. Sa tulong ng Persons with Disability Affairs Office ay binigyan din ang bata ng panibagong PWD ID, kapalit ng kanyang nawalang ID mula sa nawasak na bahay.

Bukod sa cash aid, nakatanggap rin ng relief goods ang mga apektadong pamilya.

Una nang idineklarang danger zone ang residential area na nakakasakop sa lugar kung saan nagkaroon ng structural collapse kaya hindi na ito pinabalikan pa sa mga residente.

May 10 house owners naman ang palilipatin na ng LGU sa Disiplina Village Lingunan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us