Naging matagumpay at makabuluhan ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa ikatlong quarter ng 2023 na pinangunahan ng Office of the Civil Defense (OCD) Region I na ginanap kaninang hapon sa Lingayen Campus ng Pangasinan State University (PSU).
Ang aktibidad ay personal na dinaluhan ni OCD Region I Director Gregory Cayetano kasama ang mga lokal na opisyal ng bayan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo Bataoil.
Nakiisa din dito ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP) sa nabanggit na bayan kasama ang mga kawani mula sa Municipal Health Office, Municipal Social Welfare and Development Office, LDRRMO at mga estudyante ng Pangasinan State University.
Layunin ng ginawang drill na mapaalalahanan ang mga kalahok sa mga bagay na dapat gawin sa panahon ng lindol gaya ng “duck, cover and hold maneuver” na aniya’y malaki ang maitutulong upang mapababa ang bilang ng”casualties” na maaaring maitala kapag nakaranas ng malakas na lindol ang bansa.
Matatandaan na March 9 nang gawin ang unang Nationwide Simulataneous Earthquake Drill sa bansa ngayong taon kung saan tampok ang eksena ng pagtama ng Magnitude 7.2 na lindol.
June 8,2023 naman nang ganapin ang ikalawang pagtatanghal ng disaster preparedness activity. | via Ruel L. de Guzman | RP1 Dagupan
📷: Lingayen Information Office