Mahigit 1,000 mag-aaral at guro sa Dumangas, Iloilo nakilahok sa 3rd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Alas-dos ngayon hapon, sama-samang nag-duck, cover and hold ang mahigit isang libong mag-aaral at guro ng St. Agustine Catholic School sa bayan ng Dumangas, Iloilo sa isinagawang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Ang paaralan sa tulong ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Dumangas ang nagsilbing host sa isinagawang NSED sa Western Visayas.

Nakilahok rin sa NSED ang PNP, Philippine Army, Philippine Coast Guard at rescue volunteers kung saan ipinakita rin nila ang kanilang kakayahan sa pagresponde sa lindol.

Ang ceremonial pressing of button ay pinangunahan ni Office of Civil Defense 6 Regional Director Raul Fernandez kasama ang school faculty, staff at evaluators.

Layon ng NSED na palakasin pa ang emergency preparedness ng mga mamamayan sa lindol.

Sa pagpapaigting ng kahandaan sa lindol, mas alam na ng mga mamamayan ang dapat gawin kung may kalamidad. | Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

📸: Civil Defense Western Visayas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us