Itinuturing na welcome development ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang pagbaba ng ranking ng Pilipinas sa Global Terrorism Index.
Ito’y makaraang iulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Preventing and Countering Violent Extremism Project Manager Joan Hope Tolibas sa isinagawang 2023 Research Conference ng OPAPRU.
Nabatid kasing mula sa ika-16 na puwesto ng Pilipinas noong isang taon sa mga bansang may malaking banta ng terorismo, bumaba na ito ngayon sa ika-18 puwesto.
Ayon kay OPAPRU Senior Undersecretary Isidro Purisima, ang whole-of-nation approace ang siyang naging susi upang mabalangkas ang National Action Plan sa pagtitiyak ng kapayapaan at seguridad.
Dagdag pa niya, nakatulong din ng malaki sa pagtatamo ng kapayapaan ang pagkakaisa ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) gayundin ang ginagawang localized peace talks. | ulat ni Jaymark Dagala