Pagpapatupad ng diskwento sa pasahe, pinaghahandaan na ng LTFRB

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pagpapatupad ng diskwento sa pasahe na itinutulak ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, hinihintay na lamang nila sa ngayon na maibaba ng DOTR ang pondo para sa Service Contracting Program (SCP).

Aniya, sang-ayon ito sa hangarin ng DOTr na mapakinabangan ng mas maraming pasahero ang ₱1.2-bilyong subsidiya.

Oras na matuloy ang diskwento, ay babalik sa ₱9 ang mimimum na pamasahe sa mga public utility jeepney (PUJ) mula sa kasalukuyang ₱12 na pamasahe.

Kaugnay nito, humirit na rin si Guadiz sa DOTr na madagdagan pa ang pondong nakalaan para sa programa upang mapakinabangan ito hanggang katapusan ng taon.

“I believe the budget may last only for about six months, half a year. So as early as now, I am requesting the DOTr to come up with additional funding para mapagkasya po namin hanggang sa katapusan ng taon ‘yung pera,” pahayag ni Guadiz. | ulat ni Merry Ann Bastasa

?: PNA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us