Pangangailangan sa muling pagkakaroon ng matibay na sektor ng kalusugan matapos ang pandemya, binigyang diin ng NEDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki ang pangangailangan ng Pilipinas sa pagkakasa ng mga pambansang istratehiya na magtataguyod sa pagpapaunlad ng lipunan at para sa muling pagpapatibay sa sektor ng kalusugan matapos ang pandemya.

Ito ang binigyang-diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) matapos ang high-level meeting sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng World Bank sa usapin ng Health Sector Rebuilding.

Dito, inilahad ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa ang kanilang mga panukala upang matamo ang mga layunin nito.

Sa kaniyang panig, ibinahagi naman ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan sa World Bank ang mga natutunang aral ng pamahalaan upang maging matatag sa panahong tumama ang pandemya sa bansa.

Ang mga ito, ani Balisacan, ay nakapaloob sa Philippine Development Plan 2023-2028 gayundin ang pangmatagalang pananaw sa ilalim ng AmBisyon Natin 2040.

Kabilang na aniya rito ang pagtugon sa malnutrisyon at ang palakasin ang pagbabakuna gayundin ang mga hamong kaakibat nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us