Panukalang ipangalan ang Agham at BIR Road kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, pasado sa ikalawang pagbasa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa pamamagitan ng viva voce voting sa Kamara ay inaprubahan sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7413.

Itinutulak dito na ipangalan ang kahabaan ng Agham at BIR Road sa Quezon City kay dating Senador Miriam Defensor Santiago.

Pangunahin itong iniakda nina Isabela Representative Antonio “Tonypet” Albano; Quezon City Representative Arjo Atayde; at Quezon City Representative Marvin Rillo, upang kilalanin ang mga nagawa at kontribusyon ng yumaong senador sa mga Pilipino at ating bansa.

Oras na maisabatas, ang kahabaan ng Agham Road at BIR Road, mula North Avenue, Quezon Avenue at East Avenue ay tatawaging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us