Tulong at suporta para sa mga solo parent sa bayan ng Urbiztondo, tiniyak ng LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Urbiztondo, sa pangunguna ni Mayor Modesto Operania, ang buong suporta ng LGU para sa mga “solo parent” sa kanilang bayan.

Ito ay matapos ang unang pagkakataon ng pagbisita sa tanggapan ng alkalde ng Solo Parent Association ng nabanggit na bayan kahapon, September 7.

Naging makabuluhan naman ang pag-uusap sa pagitan ni Mayor Operania at ng mga solo parent matapos na matalakay ang ilang mga programa na maaaring maipatupad ng lokal na pamahalaan para sa mga magulang na mag-isang nagsusumikap sa pagtataguyod ng kanilang pamilya.

Kasabay nito, pinapurihan naman ng alkalde ang mga bumisitang solo parents sa kanyang tanggapan na ayon sa kanya ay sumisimbolo sa katatagan ng mga kababaihan.

Umaasa naman ang mga miyembro ng Solo Parent Association sa bayan ng Urbiztondo na ang kanilang pakikipag-ugnayan sa alkalde ng bayan ay magiging daan upang sila ay mabigyan ng tulong mula sa pamahalaan na matagal na rin nilang inaasam. | via Ruel de Guzman | RP1 Dagupan

📷 Pasimbalo Urbiztondo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us