Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na sinibak sa pwesto si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) Chief Colonel Hansel Marantan.
Ayon sa PNP chief ni-relieve ni CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat si Colonel Marantan dahil sa pagkakamali ng kanyang mga tauhan sa kanilang huling operasyon sa Maynila.
Ito’y kasunod ng mga alegasyon na kinotongan umano ng ilang tauhan ng CIDG NCR ang ilan nilang nahuli kapalit ng paglaya ng mga ito.
Wala pang opisyal na pahayag ang CIDG kaugnay nito. | ulat ni Leo Sarne