Mga kilalang big-time agri smugglers, dapat unahing tugisin sa ipinapanukalang ‘Anti-agricultural Economic Sabotage Council’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaaasa si Senador JV Ejercito na ipaprayoridad ng pinapanukalang ‘Anti-agricultural Economic Sabotage Council’ ang mga tukoy nang mga smuggler at hoarder ng agricultural products sa bansa.

Ang konsehong tinutukoy ng senador ay nakapaloob sa isinusulong na panukalang ‘Anti-agricultural Economic Sabotage Act ‘(Senate Bill 2432).

Layon ng panukala na palakasin ang laban ng bansa kontra sa smuggling ng mga produktong pang-agrikultura sa pamamagitan ng pagsama ng hoarding, cartel, at profiteering sa maikokonsiderang economic sabotage.

Ipinunto ni Ejercito na una naman nang tukoy sa publiko ang mga ‘di umano’y “big-time smugglers” sa bansa sa pamamagitan ng mga balita at maging sa mga congressional hearings tungkol sa isyu.

Umaasa rin ang senador na sa pamamagitan ng isinusulong na mas mabigat na ‘Anti-agricultural Economic Sabotage Law’ ay may masasampolan nang “big-time smugglers”.

Ito ay para maipakita ang ngipin ng batas at matakot na rin ang iba, maging ang mga nakikipagsabwatang government officials, na makilahok sa smuggling, hoarding, profiteering at cartel activities.

Sa pamamagitan aniya nito ay mae-engganyo muli ang mga local producer sa agriculture industry at sisiglang muli ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us