Presyong itinakda sa regular at well-milled rice, masusing pinag-aralan — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na basehan at dumaan sa masusing pag-aaral ang itinakdang price cap sa bigas na nakapaloob sa Executive Order 39.

Ayon kay DA Spokesperson Atty. Willie Ann Angsiy, maraming factors ang ikinunsidera bago aprubahan ang ₱41 na kada kilo para regular milled rice at ₱45 naman sa kada kilo ng well milled rice.

Aniya, binalanse sa desisyon ang input cost ng mga magsasaka at kung magiging abot-kaya ba ito ng consumers.

Paliwanag pa ni Atty. Angsiy, hindi lang ang DA ang nagdesisyon sa price ceiling dahil nagmula ito sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Trade and Industry (DTI), at Price Coordinating Council (PCC).

Kaugnay nito, sinabi ni Atty. Angsiy na pansamantala lang naman ang pagpapatupad ng price cap at ito ay transitory measure lamang upang mapigilan ang lalong paglobo ng presyo nito sa merkado. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us