Valenzuela LGU, patuloy sa monitoring ng rice retailers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy ang ginagawang pag-iinspeksyon ng Valenzuela Local Government sa mga pamilihan sa lungsod para matiyak ang compliance ng mga retailer sa ongoing na price ceiling sa regular at well-milled rice.

Kabilang sa mga nag-iikot ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Department of the Interior and Local Government (DILG), at ang LEPIDO Valenzuela.

Ilan sa mga tinungo ng grupo ang mga rice sellers sa Brgy. Malinta at Brgy. Dalandanan kung saan mayroong nagbebenta ng ₱41 na regular milled local rice.

Sinusuri rin ng grupo ang maging ang mga bigas na ibinebenta sa ilang groceries sa lungsod.

Una nang ipinag-utos ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang pagbuo ng isang task force sa lungsod para bantayan ang pagpapatupad ng EO-39.

Inaasahan namang magpapatuloy pa ang pag-iikot ng grupo habang epektibo ang naturang EO upang maprotektahan ang mga consumer sa lungsod laban sa price manipulation, hoarding, at illegal trade. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us