Mahigit 300 pensioners, naki-saya sa isinagawang Social Security System Pensioners’ Day sa Legaspi City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ng Social Security System Legazpi ang taunang SSS Pensioner’s Day sa Embarcadero de Legazpi na dinaluhan ng mahigit 300 retiree-pensioners sa Legazpi Albay.

Nagdagdag kasiyahan sa mga pensioners ang mga libreng serbisyo tulad ng medical consultation, paggamit ng e-center at libreng gupit.

Nagkaroon rin ng raffle at entertainment kung saan ipinamalas ng ilang pensioners ang kagalingan sa pagkanta at pagsayaw.

Layunin ng nasabing aktibidad na maipaabot ang mga bagong programa tulad ng SSS Pension Loan at pakikipagtransaksyon sa kanilang digital branch

Sa talumpati ni Ms. Elenita S. Samblero, Vice-President ng SSS Bicol Luzon Division, hinikayat niya mga pensioners na magrehistro sa online website ng SSS at ang pagtalakay sa paggamit ng e-center.

Dagdag niya, malaki ang mapapakinabangan ng 3.5 million pensioner sa SSS dahil sa direktang serbisyo nito mula sa mga benepisyong nakukuha.

Ilan pa sa mga isinagawang aktibidad ay ang pagtalakay sa kahalagahan ng kalusugan at pangangatawan ng mga pensioner. | ulat ni Garry Carl Carillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us