GOLD AWARDEES NG SARRAT NHS, NAGHAHANDA NA PARA SA MGA INT’L MATHEMATICAL OLYMPIAD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Mr. Michael Malvar, isa sa mga math coach ng Sarrat National High School ang paghahanda nila sa tatlong International Mathematical Olympiad (IMO) ngayong taon.

Ang mga nanalo sa ginanap na Hong Kong International Mathematical Olympiad ang siyang sasabak din sa gaganaping Philippine IMO sa Davao City nitong Setyembre 22-25, 2023

Lalaban din ang iba pang estudyante sa gaganaping Thailand IMO – Heat Round online sa Oktubre.

Sinabi ni Mr. Malvar na triple ang ginagawang paghahanda nila lalo na sa World International Mathematical Olympiad sa ibang bansa.

Isiniwalat din ni Malvar na posibleng magbabago ang venue ng World IMO sa buwan ng Disyembre, kung saan unang sinabi na gaganapin sa Hanoi, Vietnam. | ulat ni Ranie Dorilag | RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us