LTO, nagpaliwanag sa isang taong extension sa validity ng mga nag-expire na drivers license

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang linaw ni LTO Asec. Vigor Mendoza II ang basehan ng isang taong extension sa validity ng mga driver’s license na nag-expire noong April 3.

Sa isinagawa nitong press breifing, sinabi ni LTO Asec. Mendoza na bagamat nag-expire na nitong Miyerkules ang 20-day period ng unang ipinataw na temporary restraining order (TRO) sa driver’s license plastic cards, hindi pa ito lifted at magpapatuloy pa rin ang injunction.

Bukod dito, nananatiling problema pa rin aniya ng suplay ng plastic cards sa LTO.

Tinukoy ng LTO Chief na bagamat may natanggap itong 200,000 na plastic cards, hindi ito sapat para matugunan ang backlog.

Sa ngayon, awtomatiko ang extension sa mga nag-expire na lisensya hanggang sa April 2, 2024. Inabisuhan na rin ang mga traffic enforcer na hindi hulihin ang mga motoristang may expired na lisensya.

Pagtitiyak naman ng LTO, oras na umabot na sa one million mark ang driver’s license production, ay agad aabisuhan ang publiko sa pagbabalik ng license renewal. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us