Serbisyo ng SSS, pinalawak pa sa ilang lgu at ahensya ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa selebrasyon ng ika-66 na anibersaryo ng Social Security System (SSS), pinalawak pa nito ang pakikipag-partner sa ilang mga local government unit (LGU) at mga ahensya para mas mailapit ang serbisyo sa maraming Pilipino.

Kasunod ito ng paglagda nina SSS President & CEO Rolando Macasaet at SSS VP Branch Operations Voltaire Agas ng ilang mga memorandum of agreement (MOA) at memorandum of understanding (MOU), sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Energy Regulatory Commission (ERC), PPSC, ECC, MDC at maging sa mga lokal na pamahalaan ng Taguig at Malabon.

Ayon kay SSS President & CEO Rolando Macasaet, layon nitong mahikayat ang mas maraming Pilipino na makabenepisyo sa SSS.

Kabilang sa tampok rito ang nilagdaang kasunduan sa Taguig LGU, kung saan bibigyan na rin ng pagkakataon ang mga PWD sa lungsod na maging voluntary member ng SSS.

Katuwang naman ang mga ahensya ng ERC, at PPSC, isusulong ang KASSSANGA Collect Program.

Punto ni SSS VP Branch Operations Voltaire Agas, sa ilalim nito, target na magkaroon naman ng mga benepisyo ang mga job order employee dahil bagamat nagtatrabaho ang mga ito sa gobyerno ay hindi sila covered ng GSIS.

Kasama rin sa ibinida ng SSS ang pag-iikot nito sa mga barangay para sa e-services. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us