Pagbili ng AFP ng multi-role fighter, tinalakay ng AFP Chief at Swedish Ambassador

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-usapan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg.

Ito ay sa pagpupulong ng dalawang opisyal sa pagbisita ng Embahador sa AFP General Headquarters, sa Camp Aguinaldo.

Binigyang diin ni Gen. Brawner ang kahalagahan ng multi-role fighter project sa ilalim ng Revised AFP Modernization Program, upang makapagtatag ng isang “credible defense” ang AFP.

Matatandaang una nang inialok ni Ambassador Thunborg na i-supply ng Sweden sa Philippine Air Force ang kanilang flagship multirole fighter aircraft na Saab JAS-39 Gripen, nang magpulong sila ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, noong nakaraang buwan.

Ipinahayag naman ng embahador kay Gen. Brawner ang suporta ng Sweden sa modernisasyon ng AFP, at tiniyak na sila ay solidong nasa likod ng Pilipinas sa pagtatanggol ng pambansang teritoryo; at pagtataguyod ng rules-based order sa West Philippine Sea alinsunod sa 2016 arbitral ruling. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us