Pag-asa island, kailangan matayuan ng maayos na pantalan at paliparan — DND

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ni DND Sec. Gibo Teodoro ang suporta ng mga mambabatas para mapondohan ang dalawa sa mahahalagang imprastraktura sa Pag-asa Island.

Ito’y matapos ipunto ni Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan na dapat ay tapatan din ng Pilipinas ang pagpapalakas sa ating isla sa West Philippine Sea.

“Kailangan may comprehensive strategy tayo para maipakita natin na determinado tayo na atin yan…tayo ang may pinakamababa ang intervention doon.”, sabi ni Libanan sa budget briefing ng DND.

Tinukuran ito ni Teodoro at sinabi na pangunahing dapat maipatayo sa isla ang isang maayos na pantalan at ang pagpapaganda pa ng runway doon.

Ayon kay Teodoro, may limitadong panahon lamang maaaring makabiyahe at makalapag ang eroplano sa Pag-asa dahil sa limitasyon sa runway.

“Palagay ko po ang unang-unang kinakailangan dyan ay puerto na makakatanggap ng large draft na vessels para makabagsak po tayo ng construction materials inbound para sa ganun po, Pangalawa po ay improvement ng runway natin upang sa ganun mas malalaki at mas mabibigat kargada ang pwede niya ipasok.”, ayon sa kalihim.

Oras na maisaayos aniya ito ay mas madali na rin aniya na maisaayos ang mga serbisyo doon gaya ng paaralan at ospital. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us