Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President (OVP) sa mga Negrense na apektado ng pagbaha dala ng habagat na lalong pinalakas ng bagyong Goring.
Umabot sa 600 na kahon ng non-food items ang ipinamahagi sa mga apektadong residente mula sa 4th District ng Negros Occidental.
Kabilang sa mga binigyan ang mga residente ng Bago City na nakatanggap ng 125 kahon ng non-food items na binubuo ng water container, sabon, toothbrush, toothpaste, mosquito net, blanket, mat, face mask, wet wipes at alcohol.
Ayon sa Bago City Government, ito ay ipamamahagi sa mga apektadong pamilya ng Barangay Sampinit na nakituloy sa labas ng mga evacuation center.
Bukod sa tulong mula sa OVP, 1,666 na pamilya sa Bago City ang nakatanggap ng P3,000 na Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS) mula sa tanggapan nina Senator Loren Legarda at Senator Alan Peter Cayetano. | JP Hervas | RP1 Iloilo
📸: The CityBridge