Higit 400 rice retailers sa Commonwealth Market, mabibigyan ng cash aid ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Target ng DSWD na mabigyan ng tulong pinansiyal ang 405 maliliit na rice retailers sa Commonwealth market ngayong umaga.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez, bawat benepisyaryo ay tatanggap ng P15,000 o kabuuang P6,075,000.

Kailangan lamang magdala ng identification card ang mga benepisyaryo sa pag-claim ng kanilang cash aid.

Kailangan din na nasa masterlist ng Department of Trade and Industry ang pangalan ng mga benepisyaryo bago mabigyan ng ayuda.

Samantala, nasa 136 namang benepisyaryo ang bibigyan ng cash aid sa Caloocan at 48 sa San Juan City.

Sa bahagi ng Manila, hindi pa matutuloy ang distribusyon ng cash aid ngayong araw. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us