Nagpaalala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo na huwag kalimutan ang pagdala ng identification cards sa pag-claim ng pinansiyal na tulong mula sa DSWD.
Sa Commonwealth Market, may ilang micro rice retailer ang pinauwi dahil walang ID.
Para umano maiwasan ang abala at mapabilis ang pagkuha ng tulong pinansiyal, kinakailangang dalhin ng mga ito ang mga requirements.
Bawat benepisyaryo, ay dadaan sa verification process at ipapakita ang kanilang valid ID, sunod ang profiling at releasing.
Ibibigay lang ang kanilang cash assistance pagkatapos silang kuhanan ng litrato para sa documentation process ng DSWD – Sustainable Livelihood Program.
Dapat rin daw tandaan na may monitoring na gagawin ang DSWD at DTI para malaman kung nagamit sa tama ang cash assistance na ipinagkaloob sa micro rice retailers. | ulat ni Rey Ferrer