Higit P2.7-B na claims sa La Union, nabayaran ng PhilHealth

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagproseso ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng 1,148,346 na claims na nagkakahalaga ng kabuoang P7,239,849,205.14 sa lalawigan ng La Union mula 2018 hanggang 2022.

Ito ay batay sa rekord na inihayag ni Mr. Raymund O. Maningding, Chief Social Insurance Officer ng PHIC Provincial Office-La Union sa ginanap na La Union Health Summit 2023 sa Sevilla, San Fernando City, La Union.

Noong 2018, mayroong 134,999 na claims count na naiproseso ang PhilHealth sa lalawigan, nagkakahalaga ito ng P1,294,270,258.88; noong 2019 ay mayroong 136,978 na claims count na nagkakahalaga ng P1,350,915,255.04; noong 2020 ay 209,910 na claims count na nagkakahalaga ng P1,241,397,379.95

Pagsapit naman ng 2021 ay mayroong 490,991 na claims count na nagkakahalaga ng P2,213,248,038.29 habang noong 2022 ay 175,468 claims count ang nabayaran ng PhilHealth sa halagang P1,140,018,245.98.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us