Inaprubahan na ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) ang adjustment sa pagpapatupad ng closed fishing season para sa sardinas sa karagatang sakop ng Zamboanga Peninsula.
Ayon kay BFAR National Director Demosthenes Escoto, simula ngayong taon, ang katubigan sa East-Sulu Sea, Basilan Strait, at Sibuguey Bay ay isasara sa sardines fishing mula Nobyembre 15 hanggang Pebrero 15.
Sabayan ding ipapatupad ang closed fishing season para sa small pelagics kabilang ang sardinas sa Visayan Sea.
Ang adjustment ay nag-ugat sa isang research na nagpapakita na ang panahon ng pangingitlog ng mature sardines ay tumataas sa mga buwan ng Oktubre hanggang Enero.
Ang nakaraang tagal ng closed season mula Disyembre 1 hanggang Marso 1 ay hindi kasama ang buwan ng Nobyembre. | ulat ni Rey Ferrer