Bilang ng namatay sa leptospirosis sa Quezon City, lumobo na sa 25

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 25 indibidwal na ang namatay sa sakit na leptospirosis sa lungsod Quezon.

Pinakamaraming namatay ay mula sa District 6 na umabot sa walong (8) indibidwal, sunod ang District 2 na may lima (5), tig-apat(4) naman sa District 4, tatlo (3) sa District 3 at isa (1) sa District 1.

Ayon sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, umabot sa 188 kaso ang kanilang naitala mula Enero 1 hanggang Setyembre 2, 2023.

Nakapagtala ang District 2 ng pinakamataas na kaso na may bilang na 47.

Ang District 5 naman ang may pinakamababang kaso na may 20 ang bilang. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us