Nagdaos ng emergency meeting ang La Union Price Coordinating Council (LUPCC) sa Provincial Capitol, San Fernando City, La Union.
Napag-usapan sa pagpupulong ang Executive Order (EO) No. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Naging usapin ang mga isyu at hinaing ng mga stakeholders sa pagpapatupad ng utos ng pangulo.
Napagkasunduan ang schedule ng mga isasagawang price monitoring activity para sa profiling ng mga rice retailers sa lalawigan.
Pinangunahan ni DTI-La Union Provincial Director Merlie D. Membrere, vice-chair ng LUPCC ang pagpupulong.
Ipinaliwanag naman ni Mr. H.A. Zaldy Zafra, Head ng Consumer Protection Division- Region 1 ang tungkol sa nilalaman ng EO No. 39.
Sa ngayon, marami pa rin sa mga retailers sa lalawigan ang hindi nakakapagbenta ng P41 na regular milled rice at P45 na well-milled rice bawat kilo.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo