Lungsod ng Zamboanga, ginunita ang ika-10 taong anibersaryo ng Zamboanga Siege

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinamunuan ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang isinagawang seremonya bilang paggunita sa ika-10 taong anibersaryo ng 2013 Zamboanga Siege sa Freedom Fighters Memorial Shrine Plaza sa naturang lungsod kamakailan.

Nagsagawa rin ng 21-gun salute upang alalahanin ang mga kinilalang bayani at sa mga nagbigay ng kanilang buhay para sa mga residente ng naturang lungsod sa nangyaring bakbakan.

Kinilala rin ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang mga miyembro ng media at akademya para sa kanilang natatanging suporta noong siege sa lungsod.

Matatandaan, nasa 20 sundalo, 5 kapulisan, at 13 sibilyan ang nasawi sa nangyaring giyera na nagtagal ng 21-araw laban sa mga miyembro ng Moro National Liberation Front o (MNLF). | ulat ni Justin Bulanon | RP1 Zamboanga

Photos: Zamboanga City LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us