Distribusyon ng cash assistance sa maliliit na rice retailers, nagpapatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagsagawa ang Department of Social Wefare and Development (DSWD) ng cash assistance payout para sa mga maliliit na rice retailers sa Metro Manila ngayong araw.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng ‘Sustainable Livelihood Program’ para sa mga micro rice retailers na apektado ng Executive Order 39.

Sa iskedyul ngayong Lunes, pinangunahan ng DSWD ang pamamahagi ng financial aid sa lungsod ng Parañaque at Navotas.

Nasa higit 100 rice retailers ang target na benepisyaryo ng SLP sa Parañaque City.

Mayroon namang inilaan ₱2.4-milyong pondo para sa 161 na apektadong rice retailers sa Navotas City.

Una nang namahagi ang DSWD ng cash assistance sa mga apektadong retailers sa Maypajo Market, Caloocan City, Agora Public Market sa San Juan City at Commonwealth Market, Quezon City.

Pagtitiyak din ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga samahan ng micro rice retailers upang mas malaman pa ang tulong na maaaring ilaan para sa kanila. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us