Pagtatalaga ng price ceiling sa bigas, nagsisilbing ‘short-term solution’ vs. mga nananamantala — Finance Sec. Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na epektibo ang pagtatalaga ng price ceiling sa bigas.

Ayon kay Diokno, ang imposisyon ng price ceiling sa pamamagitan ng Executive Order No 39 ay ‘short-term solution’ laban sa “non-competitive practice” ng mga nagbebenta ng bigas sa merkado.

Sinabi ng kalihim na kinailangan itong gawin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan ibebenta ang regular milled rice ng P41/kilo at P45/kilo sa well-milled rice dahil sa talamak na hoarding at manipulasyon ng presyo ng mga negosyante.

“Price controls, when carefully calibrated and closely implemented, prove to be effective in the near term.”, ani Diokno.

Diin ng kalihim, nananatiling komited ang gobyerno na isagawa ang mga komprehensibong mga hakbang upang tiyakin na sapat at mababa ang halaga ng bigas sa bansa.

Prayoridad rin aniya ng pamahalaan na tugunan ang mga hinaing ng mga rice retailer at mga magsasaka upang bigyanng-daan ang maayos na kompetisyon sa industriya ng bigas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us