Muling iginiit ni Trade Secretary Alfredo Pascual na mahaharap sa kaso at pagkakulong ang mga rice retailer na hindi susunod sa itinakdang price ceiling sa presyo ng bigas.
Ayon sa kalihim, paptawan nila ng ‘show cause order’ ang mga lalabag sa naturang kautusan upang magpaliwanag at kakasuhan na maaring magmulta na aabot sa mula P5,000 hanggang P10 milyon.
Dagdag pa ni pascual na maari ring makulong mula isang taon hangGang 10 taon. | ulat ni AJ Ignacio