Concensus Building, nais bigyang halaga ni VP Sara Duterte para mapanatili ang insurgency-free status sa Davao Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Vice President Sara Z. Duterte sa lahat ng sektor ng pamahalaan na bigyang halaga ang Concensus Building sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Davao Region matapos itong ideklarang insurgency-free.

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Peace Village Exhibit sa SM City Davao, sinabi ng Pangalawang Pangulo na malaking bagay ang Concensus Building sa pagdinig ng mga hinaing ng komunidad upang mabigyan agad ng karampatang solusyon.

Giit ni VP Sara na ito rin ang hakbang para maramdaman ng lahat ng tao na kabilang sila sa pag-unlad ng lipunan.

Sa pamamagitan din nito, mabibigyang kapangyarihan ang mga komunidad na maging self-sufficient kung saan isa ito sa mga importanteng sangkap para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us