Plano ng Department of Transportation (DOTr) na palawakin pa ang bicycle lanes sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ito ang pahayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista, matapos pangunahan ang groundbreaking ng expansion ng bike lanes sa Lipa at Batangas City, ngayong araw.
Ayon kay Bautista, magtatayo ng nasa 400 kilometers na bike lanes sa bansa ngayong taon. Binigyang-diin din ng kalihim ang maraming benepisyo sa kalusugan at kapaligiran ng pagbibisikleta.
Dagdag pa ni Bautista, nanghigi na ang ahensya ng karagdagang budget para magtayo ng bike lanes sa buong bansa.
Ang konstruksiyon ng bike lanes sa Calabarzon ay may pondong P151.7 milyon sa ilalim ng 2022 General Appropriations Act.
Target naman ng DOTr sa pamamagitan ng Active Transport Program nito, na dagdagan pa ang bike lane networks sa bansa ng 2,400 kilometers pagdating ng 2028. | ulat ni Diane Lear