Muling pinasinungalingan ni Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte na may mali sa paghingi ng confidential fund (CF) ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Sa panayam sa Pangalawang Pangulo, sinabi nitong walang patunay kung may iligal sa paggamit ng nasabing pondo.
Giit ni VP Sara, aprubado ng Kongreso ang paghingi ng CF kung saan nagamit naman ito sa tama.
Paliwanag nito, ginagamit ang confidential fund sa DepEd para labanan ang banta ng recruitment na magreresulta sa violent extrimism, insurhensiya at pagsangkot sa iligal nga droga.
Dagdag ng Pangalawang Pangulo na nasa miyembro ng Kongreso at Senado na kung ibibigay nito ang hinihinging confidential fund. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao