Pinaliwanagan ni Vice President Sara Duterte ang mga kritiko mula sa Kongreso at Senado kaugnay sa paggamit ng 2022 Confidential Fund ng Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, hanggang sa ngayon walang maipakitang ebidensya na illegal o hindi tama ang paggamit ng Confidential Fund ng OVP.
Sa pagdinig ng panukalang P2.3 bilyon na budget ng OVP para sa susunod na taon, inamin ni VP Sara na humiling ang kanyang tanggapan ng Confidential Fund noong August 2022 at ito ay natanggap ng kaniyang opisina noong December 2022.
Dinepensahan naman ng Office of the Executive Secretary, ang pag-apruba ng Office of the President ng P221.4 milyon na Confidential Fund sa OVP noong 2022.
Sa nasabing halaga, nasa P125 milyon ang na-liquidate ng OVP sa Confidential Fund.
Nauna rito ay nagpasalamat din ang Pangalawang Pangulo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at ilang opisyal ng pamahalaan na nagtanggol sa 2022 Confidential. Fund ng OVP. | ulat ni Diane Lear