Umarangkada na rin ang payout ng Cash Assistance sa Micro Rice Retailers sa Zamboanga del Sur na apektado ng Executive Order No. 39 .
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), walang pagkakaiba ang ipinamamahaging ayuda sa lalawigan na ginagawa sa Metro Manila.
Sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program-Cash Assistance for Micro Rice Retailers, bawat rice retailer doon ay pinagkalooban din ng Php 15,000 cash aid.
Layon din nito para tulungan sila sa gitna ng pagpapatupad ng mga price ceiling sa regular at well-milled rice na Php 41 at Php 45.| ulat ni Rey Ferrer