Ombudsman, dumipensa sa hindi pagkakasama ni dating Pangulong Duterte sa mga pinakasuhan sa umano’y maanomalyang Pharmally deal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaliwanag ni Ombusdman Samuel Martires kung bakit hindi kasama si dating Pang. Rodrigo Duterte sa mga pinakasuhan kaugnay sa umano’y maanomalyang pagbili ng COVID-19 test kits mula sa kompanyang Pharmally.

Kasunod ito ng pag-usisa ni Albay Rep. Edcel Lagman kung bakit may mga matataas na opisyal ng pamahalaan na hindi nasama sa mga nakasuhan.

Diin ni Martires, bagamat nababanggit aniya noon ni dating Sen. Richard Gordon sina FPRRD at Michael Yang patungkol sa isyu, ay walang sapat na ebidensya na may kinalaman ang dating Pangulo dito.

Wala rin aniyang ebidensya patungkol kay Yang maliban lang sa siya ang inisyal na nagpondo para sa pagbili ng test kits.

Ipinunto rin ni Martires na hindi masasabi na nilabag ni dating Pang. Duterte ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang hindi nito padaluhin ang ilang opisyal ng pamahalaan sa mga pagdinig noon ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa ‘presidential prerogative’ ito.

Sa kasalukuyan, dinidinig pa rin ng Ombudsman ang kaso laban sa Pharmally pagdating naman sa isyu ng personal protective equipment at ang ginawang ‘transfer of funds’.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us