Puspusan ang isinasagawang declogging operations ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.
Ayon sa MMDA, layon nitong alisin ang mga bara at mapalaki ang kapasidad ng mga daluyan ng tubig.
Kabilang sa mga nalinis ng mga tauhan ng MMDA ay mga ‘single-use plastic’ gaya ng plastic bottles.
Kasabay nito ay nagpaalala ang MMDA sa publiko na magkaroon ng disiplina at magsagawa ng maayos na waste segregation upang maging malinis ang kapaligiran.
Ipinaalala rin ng ahensya na isagawa ang ‘reduce, reuse, recycle’ para mabawasan ang mga basura at hindi ito maging dahilan ng pagbara sa mga daluyan ng tubig na nagdudulot ng pagbaha. | ulat ni Diane Lear