COMELEC, titiyaking walang magiging profiling sa mga makikibahagi sa SK elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na walang magiging profiling sa mga Sangguniang Kabataan o SK elections candidates.

Sa interpelasyon ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel, naungkat nito ang umano’y pag-aalok ng pabuya ng National Youth Commission (NYC) sa makapagtuturo ng umano’y “recruiters” sa hanay ng SK candidates.

Bukod pa aniya ito sa ulat, na ang Philippine National Police (PNP) ay nagpapakalat ng profiling forms sa Iloilo at Antique.

Ayon kay COMELEC Chair George Garia, wala silang nalalaman ukol sa hakbang na ito ng NYC man o ng PNP.

Dagdag pa ng opisyal, na hindi pinahihintulutan ng COMELEC ang anumang uri ng profiling sa eleksyon, dahil karapatan aniya ng bawat isa na mabigyan ng pantay at patas na pagkakataon na makaboto at iboto salig sa Saligang Batas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us