Mga naaresto ng PNP sa paglabag sa firearms ban, halos 500 na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 456 na ang lumabag sa pagbabawal ng pagdadala ng armas at deadly weapons sa loob ng election period ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) mula August 28 hanggang kahapon.

Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na sa bilang na ito, 441 ang sibilyan, siyam ang security guard, tig-dalawa ang miyembro ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP), isa ang elected government official, at isa ang Citizens Active Auxiliary (CAA).

Umabot naman sa 286 ang firearms na nakumpiska ng PNP mula sa mga walang maipakitang COMELEC exemption.

Karamihan sa mga nakumpisaka ay mga pistola na nasa 273.

Bukod sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Law, ang mga nahuling lumabag sa firearms ban sa panahon ng eleksyon ay panghabang-buhay na diskwalipikado na umukupa ng anumang posisyon sa gobyerno.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us