Inilunsad ng Manila Electric Company (Meralco) ang Programang Filipino Scholars and Interns on Nuclear Engineering (FISSION).
Ito ay bilang suporta sa plano ng pamahalaan na gawing bahagi ng energy portfolio ang nuclear power.
Layon ng naturang programa na makatulong sa paglilinang ng kahusayan ng mga Pilipino na nais maging nuclear engineer.
Sa pamamagitan ng edukasyon at internship, sila ang magsisilbing mga eksperto sa teknikal na aspeto at mga regulasyon patungkol sa teknolohiya ng nuclear sa Pilipinas.
Magsisimula ang programa sa 2025 hanggang 2027, at bubuksan para sa limang Pilipino na nakapagtapos ng kursong Mechanical, Electrical. Materials, at Metallurgical Engineering, Physics at iba pang kaugnay na kurso.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Meralco sa mga unibersidad sa labas ng bansa na kilala sa programa sa engineering gaya ng Univeristy of California, University if Illinois, at iba pa. | ulat ni Diane Lear