DSWD, humirit na sa COMELEC ng exemption sa spending ban para maipagpatuloy ang ayuda sa rice retailers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humiling ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng exemption sa Commission on Elections (COMELEC) para mapayagan itong maipagpatuloy pa rin ang pamamahagi ng ayuda sa mga rice retailer sakaling maabutan ng election ban.

Sa ilalim ng COMELEC rules, ipinagbabawal ang paggasta ng gobyerno sa gitna ng malakihang aktibidad sa bansa katulad ng halalan.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, kasama sa factor ang papalapit na election ban kaya doble kayod ang ahensya na madaliin na ang payout ng cash assistance nito sa mga apektadong rice retailers.

Sa panig naman ng COMELEC, sinabi ni Atty. Rex Laudiangco na hinihintay lamang nitong magkapagsumite ang DSWD ng pormal na aplikasyon alinsunod sa Resolution 10944.

Una nang lumarga ang pamamahagi ng ayuda sa mga magbibigas sa National Capital Region (NCR), kabilang ang Quezon City, San Juan, Caloocan, Navotas, Parañaque, at maging sa Zamboanga del Sur.

Kumpiyansa naman ang DSWD na sapat ang pondo nito para maabot ang lahat ng apektadong rice retailers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us