Lokal na produksyon ng asukal hanggang Agosto ng 2024, muling ilalaan sa domestic consumption — SRA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniutos ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang paglalaan ng lahat ng produksyon ng asukal ngayong crop year 2023-2024 para sa domestic consumption.

Nakasaad ito sa inilabas na Sugar Order No. 1 na nagtatakda sa alokasyon ng produksyon ng mga asukal at pirmado nina SRA Administrator Pablo Azcona at ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Ayon sa SRA, layon ng naturang hakbang na siguruhing sapat ang suplay ng asukal sa bansa at mananatiling stable ang presyo nito.

Inaasahan kasi ng SRA na bababa sa 10-15% ang total raw sugar production ngayong crop year dahil sa banta ng El Niño phenomenon.

Dahil dito, inaatasan ng SRA ang mga mill companies na i-classify bilang “B” o Domestic Market Sugar ang kabuuan ng sugar production mula September 1, 2023 hanggang August 31, 2024.

Sa pagtaya ng ahensya, halos 1.85 milyong metric tons ang domestic raw sugar production para sa 2023-2024 crop year. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us