Naglabas na ang Quezon City Local Government ng traffic advisory para sa 2023 Bar Examinations na gaganapin sa University of the Philippines Diliman Campus sa September 17, 20, at 24, 2023.
Ayon sa pamahalaang lungsod, asahan na ang mabigat na trapiko sa mga kalsada malapit sa UP Diliman Campus partikular na ang: University Avenue, C.P. Garcia Avenue, Katipunan Avenue, at Commonwealth Avenue.
Inaasahan kaseng sa mga kalsadang ito dadaan ang mga kukuha ng BAR exam.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta. | ulat ni Merry Ann Bastasa