Suplay ng asukal sa bansa, nananatiling sapat; importasyon, hindi pa kailangan — SRA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa kailangan ng bansa na mag-angkat ng asukal sa ngayon ayon ‘yan sa Sugar Regulatory Administration.

Sa panayam sa media, sinabi ni SRA Administrator Pablo Azcona na sapat naman ang suplay ng asukal ngayon, hindi tulad noong nakaraang taon na nagkaroon ng kakulangan sa suplay.

Paliwanag ni Azcona, bukod sa raw sugar, higit 200% ring mas maganda ang stock level ngayon ng refined sugar sa bansa.

Dagdag pa nito, inaasahang mas gaganda pa ang suplay sa bansa ngayong nagsisimula na rin ang milling season.

Kung magkakaroon man aniya ng kakulangan, maaaring sa pagtatapos na ito ng milling season sa susunod na taon.

Dahil naman sa sapat na suplay ng asukal, wala rin aniyang dapat ipag-alala ang mga consumer dahil nananatiling stable din ang presyo ng asukal sa merkado. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us