Inihayag ng Moroccan Interior Ministry na umabot na sa 2,497 katao ang namatay sa lindol at 2,476 naman ang nasugatan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa ngayon, walang natatanggap na ulat ang Embahada ng sinumang Pilipinong naapektuhan ng lindol.
Nakikipag-ugnayan narin ang Embahada sa mga community leader sa iba’t ibang lugar ng Morocco.
Para sa anumang emergency o katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Embahada sa pamamagitan ng kanilang numerong +212694202178 o FB Philippine Embassy sa Morocco. | ulat ni AJ Ignacio