Nakatanggap ang 41 pamilya mula sa 1st district ng probinsya ng Iloilo ng mahigit sa P3.4 milyon na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 6 sa ilalim ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga bayan ng Tigbauan, Miag-ao, Tubungan, at San Joaquin.
Sa nasabing halaga, mahigit P1.4 milyon ang inilabas bilang Transitory Family Support Packages at mahigit P1.9 milyon bilang Livelihood Settlement Grants.
Ang transitory family support packages at livelihood grants ay suporta ng gobyerno para sa mga umuwing pamilya para sa pagsisimula ng kanilang bagong buhay sa probinsya.
Kasama sa transitory family package ang food, non-food items, at babayarin sa bills para sa utilities. P50,000 ang ibinibigay sa bawat pamilya bilang tulong pangkabuhayan sa pagsisimula ng negosyo.
Ang halaga ng transitory package bawat pamilya ay nakasalalay sa need assessment na ginawa ng social workers at local social welfare and development office. | ulat ni Merianne Grace Ereñeta | RP1 Iloilo