Cash Aid payouts para sa mga Micro Rice Retailers, magpapatuloy kahit may umiiral na election ban – DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuloy-tuloy ang gagawing cash payouts ng cash assistance para sa mga Micro Rice Retailers.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Commission on Election (COMELEC) sa supplemental request ni DSWD Secretary Rex Gatchalian upang ma-exempt ang ahensya sa provisions ng Section 261 ng Omnibus Election Code na nagbabawal sa pagpapalabas at disbursement ng public funds sa gitna ng paghahanda sa isang halalan.

Dahil dito, maipagpapatuloy ng DSWD ang pamamahagi ng P 15,000 na cash assistance sa mga rice retailers mula Setyembre 15 hanggang Oktubre 31.

Maliban sa SLP-cash assistance project, exempted rin ang iba pang programa ng DSWD gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program, Food Stamp Program (FSP), Tara, Basa! Tutoring Program, Oplan Pag-Abot, Project Lawa, Social Pension Program, Centenarian Program, at Supplemental Feeding Program.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us