Alkalde ng Kalayaan Island, inilapit sa mga senador ang mga pangangailangan ng kanilang lugar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinahagi ni alkalde ng Pag-asa Island na si Mayor Roberto del Mundo na nababahala rin sila sa mga nakapaligid na mga sasakyang pandagat ng China sa kanilang isla.

Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense, sinabi ni Del Mundo na bagama’t malayo sa kanilang lugar ang Ayungin Shoal ay marami pa ring nakapaligid sa kanilang isla na mga sasakyang pandagat ng China.

Sa kabila nito, sinabi ng alkalde na namumuhay sila ng maayos sa Kalayaan Island, wala sialng kinatatakutan at nais pang manirahan doon ng mga residente ng Kalayaan.

Ipinahayag rin ni Del Mundo ang ilan sa mga pangangailangan ng Kalayaan Island na nais nilang ipaabot sa national government.

Pangunahin na aniya dito ang sasakyang pandagat na gawa sa bakal.

Humihingi rin ng tulong ang akalde na maisaayos ang kanilang municipal hall at school buildings na nasira ng bagyong Odette noon pang 2021 at hindi pa rin naaayos sa ngayon.

Nangangailangan rin aniya ang Kalayaan ng fire building, higit tatlumpung housing unit, water desalination, tourism building, at admin office.

Isinumite naman ni Del Mundo ang listahan ng pangangailangan ng Kalayaan Island sa mga senador.

Nangako naman si Senate President Juan Miguel Zubiri na tutugunan ang mga pangangailangan ng isla at dagdagan sila ng pondo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us